KAGAT SA LABI
(UNRATED)
Mula sa panulat ni Creeepyside88
DISCLAIMER
Ang
istoryang iyong mababasa ngayon ay isang gawaing piksyon lamang. Anumang
pagkakahalintulad ng mga pangalan, lugar, pangyayari, karakter, negosyo,
organisasyon at iba pa sa tunay na buhay o sa sinumang buhay o patay na
personalidad ay hindi ko sinasadya o kaya'y sadyang ginamit ko ito sa piksyunal
na pamamaraan lamang.
ALL RIGHTS RESERVED.
Hindi pinahihintulutan ng may-akda ang pagkopya o pagbabahagi ng istoryang ito
sa kung saan mang lupalop ng internet ng walang tunay permiso na nanggaling sa
kaniya. Tandaan, PLAGIARISM IS A
CRIME.
BABALA
Ito ay
isang RATED 18+ Homoerotica sa
pagitan ng lalaki sa lalaki na mga bida. Ang kwento ay maaaring maglaman ng
maseselan o di kanais-nais na TEMA
at LENGGWAHE, pagpapakita ng KARAHASAN at HORROR, paggamit ng mga DROGA
, at lantarang paglalahad ng SEKSWAL
na mga senaryo o tagpo na hindi naaangkop para sa mga batang mambabasa at sa
mga taong may makitid na pang-unawa para sa mga ganitong uri ng istorya.
Palaging tandaan na kung anuman ang iyong mababasa dito ay piksyon lamang ang
lahat at walang binabanggang sinuman o anuman sa totoong buhay. Panghuli,
binalaan na kita kaya ikaw na ang bahala kung tatangkain mo pang basahin ito.
Iyon lamang po at sana'y mag-enjoy ka sa pagbabasa. Happy reading!
KAGAT SA LABI
(UNRATED)
BLURB
RATED
SPG 18+ (M2M) Matapos ang
mapait na pagkamatay ng kaniyang ina, ay napilitang makipisan si Jandrin sa
pamilya ng kanyang bagong kakilalang tiyahin, na masuwerteng nakapangasawa ng
isang mayamang negosyante mula sa Maynila.
Dito niya makikilala ang kaniyang tiyuhin
at mga pinsan, na siyang makakadiskubre ng mahiwagang sikreto sa likod ng
kaniyang katauhan.
Ano nga ba ang natatagong sikreto sa
likod ng kapansanan ni Jandrin? Tama nga bang pinapasok nila ito sa kanilang
tahanan? Isa nga bang siyang biyaya para sa Pamilya Narvaez o isang malagim na
bangungot pala ang hatid niya sa mga ito?
PROLOUGE
Abala
ang halos buong barangay ng Santanorio sa ginagawang pag-imis ng pinagburulan
ng isa sa mga pinakarespetadong tao sa kanilang barangay. Kakatapos lang kasi
ng libing ng namayapang si Aling Mersita, ang masiyahin at butihing midwife ng
kanilang barangay. Kinagigiliwan kasi siya ng halos lahat ng mga mamamayan ng
Barangay Santorio dahil sa kaniyang napakabait at napakamatulungin na
pag-uugali. Siya din ang palaging nilalapitan ng mga taga-Santorio kapag may
mga nais silang idulog sa kapitan ng kanilang barangay at palaging naaasahan sa
mga panahong may nangangailangan ng kaalamang medikal.
Halos
lahat ng tao sa kanilang barangay ay kasundo niya, kaya ganoon na lamang ang
pagkalungkot ng mga taga-Santanorio ng malaman ang biglaang pagkamatay niya.
Base sa mga kapitbahay nito, ay nagulat na lamang sila ng marinig ang
napakalakas na palahaw ng anak nito na si Jandrin, noong bukang-liwayway ng
nakaraang Linggo. Dali-dali nilang sinugod ang bahay ng mag-ina para alamin
kung anong nangyayari doon, at gayon na lamang ang pagkagulantang nila ng
makita ang ginang na wala ng buhay habang walang humpay na pinagsasasaksak ng
isang di-kilalang binatilyo na tila lulong sa droga.
Sa
isang sulok naman ng sala ng bahay, ay naroon ang may diperensiya sa isip na
binatang si Jandrin. Walang pang-ibaba na suot at nakadapang pumapalahaw sa
duguang sahig ng kanilang sala. Namamaga daw ang maselang butas nito, ayon sa
mga nakakita, at sa hula nila'y ginahasa ito ng naturang binata. Agad na hinuli
ang nagwawalang binata na hubo't-hubad pa, at dinala sa selda ng kanilang
barangay hall.
Pero
nauwi ang lahat sa malagim na pangyayari, dahil mas lalo itong nagpumiglas sa
mga kalalakihang humuli dito at aksidenteng nakuha ang baril ng isang barangay
tanod na kasama doon. Nagpakamatay daw ang lalaki ng mga oras na iyon at
hinatid ang bangkay nito sa nagpakilalang pamilya ng binata, ilang oras matapos
ang sinapit nito. Samantala, agad namang inasikaso ng iba pang taga-Santanorio
ang mag-iina, lalo na ang binatang may sakit. Dead on arrival na ang ginang ng
makarating sa ospital, habang ang anak naman nito ay agad na bigyan ng
pang-unang lunas dahil masyadong malala ang tinamo nitong mga sugat sa kaniyang
kaselanan.
Makalipas
nga ang isang linggo mula ng mangyari ang kahindik-hindik na insidenteng iyon,
ay heto nga't nagtatalastasan ang mga mamamayan ng Santorio dahil sa kakatapos
na libing at kung saan mapupunta ang naulilang bata ng butihing ginang.
"Kawawa
naman si Jandrin ne? Aba'y ke bata bata pa eh nawala'y na agad ng maaga sa kaniyang
ina! Lalo na't may sakit pala sa pag-iisip yang batang iyan. Sino na laang ang
kukupkop diyan, eh magastos pa naman ang pag-aalaga sa may mga ganyang
diperensiya? Tsk tsk tsk!" Naiiling na ani ng isang ale sa kaniyang kumare
habang umiinom ng mainit na kape sa hawak niyang paper cup.
Naaawa
nilang pinagmamasdan ang may sakit na binata na masayang tumatawa sa isang
banda ng bahay nito, na animo'y may kausap kahit wala naman. Hindi rin nila
mapigilang kilabutan kapag naiisip nilang may nakikita itong hindi nila
nakikita. Magkagayunpaman, ay pilit pa rin nilang binabalewala ang
napakamisteryosong mga gawi ng nasabing binata.
"Oo
nga, mards eh. Naku, bakit ba naman kasi agad kinukuha ng Diyos ang mabubuting
tao, eh pano naman ang mga tulad ni Jandrin na kailangan ng aruga ng magulang
di ba? Sabagay, hindi naman talaga patas ang mundong ito. Malay natin may
magandang bukas palang nakaabang diyan sa batang iyan na binigay sa kaniya ng
Diyos" ang tangi naisagot ng kausap ng ale kanina habang pinapanood pa din
ang binatang abala sa sarili nitong mundo.
Tanghali
na, kaya pansamantalang natigil ang ginagawang paglilinis ng mga taga-barangay
Santanorio sa pinagdausan ng burol. Buti nga't hindi umulan ngayong araw na
ito, kaya hindi sila nahihirapan sa paglilinis ngayon. Idagdag pa na may
kalakihan ang bahay ni Aling Mersita, kaya maraming tao ang malayang nakisilong
at nakikipahinga matapos ang ginawang pagliligpit ng mga gamit kanina.
Maingay
ang mga taong naroon dahil may sari-sarili silang mga konbersasyon at grupo,
pero ang lahat ay natahimik bigla ng pumarada ang isang mamahaling sasakyan sa malawak
na bakuran ni Aling Mersita. Walang
nagsasalita sa mga tao ng Barangay Santanorio at lahat ay inaantabayanan ang
bababang tao sa kotseng iyon.
Makalipas
ang ilang segundo, ay napasinghap ang lahat ng bumaba doon ang isang babae na
may balingkinitang katawan at nasa mga edad bente pataas. Nakasuot ito ng
halatang branded na itim na bestida at nakasukbit sa kanang balikat nito ang
isang mamahalin din na shoulder bag. Maging ang suot nitong sandals ay
pang-mayaman din. Maputi, kutis mayaman, at maamo ang mukhang mayroon ito.
Natulala
sila saglit sa ganda nito pero agad din silang napalingon sa direksiyon ng
kabilang bahagi ng sasakyan ng bumukas ang pintuan doon. Bigla na lang
pumailanlang sa ere ang impit na tilian ng ilang dalaga at binabae doon, maging
ang bulungan ng mga matatandang lalaki at babae, matapos masilayan ang bumabang
lalaki mula sa kotse.
Matipuno
ang pangangatawan ng lalaki, dahil fit na fit dito ang suot nitong itim na polo
shirt at pantalon na mukhang mamahalin din. Bakat na bakat tuloy ang
nagmamayabang sa tigas nitong mga masels sa katawan, kahit na ang nakabukol
nitong pagkalalake. Kabaligtaran sa babae kanina, ang kulay naman ng balat ng
lalaki ay moreno, pero makinis din dahil halatang anak mayaman. Malakas ang
dating nito at mukhang may lahi base sa kagwapuhang taglay. Matangkad din ito,
na bumagay talaga sa katawang taglay nito. Hindi tuloy mapigilang maiinggit ng
mga binata at kalalakihan ng Santanorio sa katikasan at kakisigang taglay ng
panauhing lalaki.
Mabilis
na lumapit ang lalaki, pagkababa nito, sa magandang babae kanina at
mapang-angkin na ipinulupot ang kanang braso nito sa katawan ng babae. Agad
namang nakuha ng mga tao doon ang nais iparating ng lalaki, at awtomatikong
nagsibalik sa naudlot nilang mga usapan kanina. Samantala, nagsimula ng
maglakad palapit ang dalawa sa kumpol ng mga tao.
Lumapit
ang mag-asawa sa kalapit na dalawang babae na nag-uusap kanina. Magalang na
sumingit ang magandang babae sa usapan ng magkumare.
"Magandang
araw ho sa inyo! Ako ho si Sandra, at nakikiramay po ako sa namatayan. May mga
kamag-anak pa po ba ang namatay sa loob?" Pagpapakilala ng magandang babae
sa mga aleng kausap niya.
"Ay
nako ineng! Huli na kayo ng dating ng asawa mo. Kanina pa nailibing ang kabaong
ni Mersita eh, sana'y inagahan niyo ang dating dito" saad ng isa sa mga
ale na napatayo pa, para asikasuhin ang dalawa. Tumayo din ang kasama niya para
ipagtimpla ang dalawa ng kape.
Napakamot
naman sa ulo si Sandra sa natamong sagot. Ang asawa naman niya ay walang
emosyong pinagmamasdan ang likuran niya, kaya mas lalo itong nagmumukang
suplado. Inaya siya ng aleng kausap niya na maupo muna sa inihanda nitong
dalawang monoblock, at inalok sila ng mga biskwit na malugod naman niyang
tinanggap. Kasunod na dumating ang kumare ng ale na may dalang dalawang tasa ng
mainit na kape.
"Heto
oh, kapeng barako. Pampawala ng pagod niyo galing sa byahe" Pag-aalok sa
kanila nung kumare na tinanggap din nila.
Muling
umalis ang ale para ikuha sila ng sopas sa loob ng bahay, dahil napansin nitong
hindi ginagalaw ng mag-asawa ang mga biskwit na nakahain. Hindi na nakapalag pa
ang mga ito, dahil mabilis na nakaalis sa kanilang kinaroroonan ang ale.
Napabuntong-hininga
na lamang si Sandra, at minabuti na lang niya na makipagkuwentuhan sa kaharap
na ale, tungkol sa dahilan kung bakit namatay si Aling Mersita. Habang ang
asawa naman niyang si Aaron, ay naging abala sa pagsimsim ng mainit na kape na
hinanda para sa kanila. Medyo napagod din kasi ito sa pagmamaneho kanina, kaya
napainom na ito ng kape para bumalik ang nawalang lakas sa kaniyang katawan.
Nagugutom na din si Aaron, subalit pinili na lang niyang hintayin ang ale
kanina na siguradong dadalhan nga silang mag-asawa ng mainit na sopas.
Hindi
kalaunan, ay dumating na nga ito dala ang ipinangako nitong pagkain, na agad
namang tinanggap nitong si Aaron. Nauna na siyang kumain dahil abala pa ang
kaniyang asawa sa pakikipagchismisan sa mga mababait na ale, at pinahintulutan
naman din siya nitong mauna na daw, kanina bago pa dumating ang pagkain.
Mabilis
na natapos sa pagkain itong si Aaron, at ang problema na lang niya ngayon ay
ang mailabas ang naipong tubig sa kaniyang katawan. Nagpaalam siya sa kaniyang
asawa na iihi muna at itinuro naman sa kaniya ng mga ale ang direksiyon sa loob
ng bahay kung nasaan ang palikuran.
Taas
noo siyang naglakad papunta sa naturang palikuran, at hindi alintana ang mga
matang sinusundan ang bawat galaw niya. Sanay na sanay na kasi siyang
pinagtitinginan ng mga tao, kahit saan man siya magpunta, kaya naman sisiw na
lang sa kaniya ang dedmahin ang mga taong nakapaligid sa kaniya.
May
ilan sa mga naroon ay lantarang ipinahayag ang kanilang paghanga sa lalaki,
pero hindi man lang sila tinapunan ni katiting na atensyon nito. Mas lalo tuloy
naging istrikto ang mukha ni Aaron, kaya naging ilag ang karamihan sa sumusubok
na kunin ang kaniyang atensyon.
Dahil
sa mga taong palaging humaharang sa kaniyang dinaraanan, ay natagalan siyang
makarating sa kaniyang destinasyon. Kaya ng makarating sa palikuran, ay
dali-dali siyang pumasok doon. Buti na lang din at walang tao, kaya walang
makakaabala sa paggamit niya.
Nasa
labas kasi ng bahay ang palikuran, napapalibutan ito ng mga haligi at bubong na
gawa sa kawayan at nipa ng niyog. Tipikal na palikuran sa probinsiya.
Agad
niyang sinara ang pinto ng palikuran, at mabilis na inilabas ang kaniyang bahagyang
naninigas na ari bago pa man siya humarap sa inidoro, kaya ganun na lamang ang
pagkapitlag niya ng pagharap niya doon ay bumulaga sa kaniyang harapan ang isang
magandang batang lalaki.
Muntik
ng umurong ang ihi niya dahil sa labis na gulat sa pagsulpot nito, kaya
napamura talaga siya ng malakas na hindi naman pinansin ng kaharap niyang bata.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento